‘Di ko na pansin
Ang sarili ay napababayaan ko na
Umiikot ang mundo
Sa kung ano ang masasabi nila
‘Wag kang ganito
‘Wag kang ganiyan
‘Yan ang sabi ni mama
‘Di ka nahiya
Tulad ng iba
Na mayro’ng pakinabang
‘Di ka tumino
‘Di ka lalago
‘Di ka dapat tularan
At kahit ano pa
Ang sabihin mo
‘Di ka pakikinggan
‘Di nais masaktan kita
Ngunit o ano pa nga ba
Kahit ano’ng aking gawin
Mayro’ng masasabi
‘Di ko nais na mawala
Sa akin ang ‘yong tiwala
May tama man o may mali
Mayro’ng masasabi
‘Di ko magawa
Ang mabuhay araw-araw na may dinadala
Kailangan tiisin
At ibaon ang mga nadarama
‘Wag kang ganito
‘Wag kang ganiyan
‘Yan ang sabi ni papa
‘Di ka nahiya
Tulad ng iba
Na mayro’ng pakinabang
‘Di ka tumino
‘Di ka lalago
‘Di ka dapat tularan
At kahit ano pa
Ang sabihin mo
‘Di ka pakikinggan
‘Di nais masaktan kita
Ngunit o ano pa nga ba
Kahit ano’ng aking gawin
Mayro’ng masasabi
‘Di ko nais na mawala
Sa akin ang ‘yong tiwala
May tama man o may mali
Mayro’ng masasabi
O nais ko nang mawala
Sa hangin tulad ng bula
‘Di ko alam ang gagawin
‘Di ko maamin
O nais ko nang mawala
Sa hangin tulad ng bula
‘Di ko alam ang gagawin
Hindi ko maamin
O nais ko nang mawala
Sa hangin tulad ng bula
‘Di ko alam ang gagawin
Hindi ko maamin